Quantcast
Channel: Pinoy Weekly » Showbiz
Viewing all articles
Browse latest Browse all 36

Pinoy actor, bumalik mula sa 2012 Tribeca International Film Festival, pasalubong—karangalan para sa Pilipinas

$
0
0
Leon Miguel

Leon Miguel, artista ng "Graceland"

Bumalik mula sa katatapos na 2012 Tribeca International Film Festival sa New York ang Filipinong aktor na si Leon Miguel—ang bituing mahaba ang buhok—at dala-dala ang mga pasalubong na parangal para sa kanyang bansang Pilipinas.

Kalalapag lang sa Ninoy Aquino International Airport ay nagpadala na agad si Leon Miguel ng mensahe sa SMS na siya ay nakarating nang maluwalhati sa Pilipinas.

Ipinalabas sa New York, sa pestibal na itinatag ni Robert de Niro, ang obrang “Graceland” na pinangunahan nina Ella Guevarra at Arnold Reyes mula sa direksyon ng Fil-Am na si Ron Morales.

Kontrabida sa pelikula si Leon pero daig pa ang bida sa importansiya ng kanyang papel dahil lutang na lutang anya ang kanyang pagganap, ayon na rin sa kanyang direktor at sa mga taga-Tribeca.

Ang Tribeca ang isa sa mga pinakaprestihiyosong international film festival sa Amerika kaya naman kakambal na ni Miguel ang pang-uring ito.

Tungkol sa pagdukot ni Leon bilang Visel, sa dalagitang anak-mayaman na si Ella at sa tsuper nitong si Arnold ang “Graceland.”

***

Heto ang text message ni Leon Miguel sa amin pagkababang-pagkababa niya ng paliparan: “Kuya boy, gandang hapon, musta? Kakarating ko lang galing new york, successful ang screening ng graceland though 2nd place kami sa audience choice award,im so happy.

“Nakilala ko si danny aiello of god father 2, si frank aquiline of the good fellas friend niya si Robert de Niro in real life at ang well-known director na si Michael Moore.”

“Thank u sa suporta, GOD BLESS u more.”

***

Kauna-unahang paglalakbay ito ni Leon Miguel sa Estados Unidos kaya sabik na sabik siya sa okasyong ito lalo na at pestibal ni de Niro ang kanyang dinaluhan.

Kung may Sundance Film Festival si Robert Redford, may Tribeca naman si Robert de Niro

May tunggalian talaga kahit saang bahagi ng mundo, kahit saang larangan kahit na sa pinakapusod pa ng Hollywood kung saan sina Redford at de Niro ay inaaring mga espesyal na nilalang.

***

Nagbalik na si Leon Miguel sa Pilipinas para gampanan ang kanyang mga naiwang palabas telebisyon sa GMA Network.

Naging bahagi siya ng “Amaya” ni Marian Rivera kaya naman nakapako siya ngayon sa Channel 7 pero kung mabibigyan ng pagkakataon na makalabas sa iba pang istasyon ng telebisyon ay maluwag sa puso niyang tatanggapin dahil siya ay malayang indibidwal na lipunang ito.

Labinlimang taon nang nag-aartista si Leon Miguel at ang pagganap sa “Graceland” ay isang natatanging karanasan para sa kanya.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 36

Latest Images

Trending Articles



Latest Images

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>