Quantcast
Channel: Pinoy Weekly » Showbiz
Viewing all articles
Browse latest Browse all 36

Maraming intresado sa Nora Aunor painting ng London-based artist na si Francis Tanseco

$
0
0
Nora paintings

Mga detalye ng ilan sa mga dibuho ni Nora Aunor na likha ni Francis Tanseco (mula sa fracistanseco.com)

Nakaalis na noong Miyerkules pabalik ng London ang pintor, nars at filmmaker na si Francis Tanseco pero ang iiwan niya ay magandang alaala ng kanyang mga karanasan sa pagtatanghal ng mga obra niya tungkol kay Nora Aunor.

Labing-isang pinta ang ipinalabas ni Francis kamakailan sa Rizal Park Open Auditorium sa Luneta kamakailan bilang handog sa kaarawan ni Nora.

Bagamat hindi dumating si Aunor kahit na nagpasabi si Tanseco sa malapit na kaibigan nitong si Boy Palma, nakaraos nang maluwalhati ang eksibit.

May Nora na magsasaka, may Nora na mang-aawit, may Nora na OFW, may Nora na tindera, at iba pa ang mga imahen ng aktres sa lona.

Lahat ng mga ito ay pagpapatunay na pangmasa ang Superstar.

***

At alam ba ninyong marami nang nagtatanong kay Tanseco kung ipinagbibili nito ang mga painting bagamat itinuwid ng alagad ng sining na hindi mga orihinal ang mga ito dahil nasa Great Britain ang mga orig na piyesa?

Ipinakoya lang ni Francis ang mga likha niyang sining sa tarpaulin pero pinirmahan naman niyang isa-isa ang mga ito.

Kasi nga’y napakamahal ng buwis na babayaran ni Tanseco kung ipapadala niya sa Pilipinas ang mga trabaho niya.

Ayon sa kanya, sa loob ng labinlimang taon ay tinapos niya ang mga pintang ito.

Magkakaroon din siya ng show sa London sa July at nakaplano at nakaplantilya na ang mga ito.

“Sana, makarating si Nora sa London. Kasi, may mga paintings din ako tungkol kay Imelda Marcos at balak kong pagsabayin ang display ng Nora at Imelda paintings,” wika ni Francis.

***

Samantala, iniwan ni Tanseco ang Pilipinas sa gitna ng kontrobersyal na pagdinig sa impeachment trial ni Chief Justice Renato Corona.

Alam ba ninyo na napapapikit si Francis sa abang kalagayan ng ating bansa nang dahil sa mga kaso ng katiwalian sa ating pamahalaan?

“Sana, maunlad na ang Pilipinas kung walang mga pasaway sa gobyerno,” sabi ng artistang may dual citizenship.

Bago umalis si Tanseco ay nakipagsosyalan siya sa mga peryodistang pampelikula tulad nina Art Tapalla, Dennis Adobas, Leo Paul Caliwara, William Reyes, Oghie Ignacio, Marc Guerrero at Ronald Rafer.

***

Napag-usapan sa piging ang nagaganap kay Corona.

At alam ba ninyong may artista sa pelikula sa pamilya ng Chief Justice?

Ang kanyang anak na si Francis Corona ay bituin sa pelikula.

Unang obra ni Francis ang “Tsardyer” at si Seigfred Barros-Sanchez ang kanyang direktor sa isang ito na pinuri ng Manunuri ng Pelikulang Pilipino nang bigyan ito ng maraming nominasyon sa 2011 Urian Awards.

Bagamat hindi naman bida si Corona sa pelikula ay naipakita naman niya ang matapat na pagganap sa kanyang papel.

Mahilig sa mga indie film si Francis kaya naman inaalagaan din niya ang kanyang propesyon sa showbiz.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 36

Latest Images

Trending Articles



Latest Images